My Graduation Marathon Weekend

22 04 2007

Prologue

Ang ika-21 at 22 ng Abril, 2007 ay mananatiling makahulugan sa akin.

3,800+ na graduating students ang pinakawalan ng UP noong Linggo. Isang karangalan sa akin na mabilang sa grupong ito: Class of 2007. 3,800+ kaming nagsunog ng kilay, gumapang sa putik, umiyak ng dugo etc. para maka-graduate. Maaari kong sabihin na may kaniya-kaniya kaming kuwento ng tagumpay–dahil dito’y hindi mapipinid sa iisang larawan at kahulugan ang nangyari noong weekend.

eto ang sa akin.

Unang Bahagi: Candlelight Ceremony UP CFA Diliman, Sabado Abril 21

Ang Candlelight Ceremony ang college recognition day sa aking kolehiyo ng Fine Arts. Sabi ng aking mga prof. mas intimate daw ang programang ito kesa sa University Graduation. Which is true kasi lahat ng mga kapamilya/kapuso mo sa FA ay dadalo.

Isang linggo bago mag-sabado inasikaso namin ni Gigay ang clearance at iba pang papeles namin sa unibersidad. Nagbayad kami ng kung anu-anong fees at nagtiyagang magparoot-parito sa mainit na campus. Hinabol din namin ang pag-order ng sablay.

***
Ang Sablay ay ang kapalit ng toga na sinusuot ng mga graduating students sa Diliman. sa pinaksimpleng term its a piece of cloth draped on the shoulder. Akala ko dati may toga tapos may suot pang sablay ngunit hindi pala. May dalawang klase ang sablay ang "hablon" at yung Cotton twill. Mas-saucy yung hablon kasi hand-woven ito mula sa Ilo-ilo at syempre mas-mahal. Nagulat kami ni gigay nang sabihin ng kumukuha ng order na 35 pieces na "hablon" na lamang ang natitira, kaya humarurot kaming magbayad sa likod ng PNB ng hindi maubusan.

Maganda naman yung bagong disenyo ng sablay. syempre ito’y nasa kulay ng unibersidad na luntian at pula. ang mga letrang U-P (in Alibata) ay nakapaikot dito.

***

nagpatawag ang aming college secretary ng grad meeting nung thursday April 19. Dito sinabi ang opisyal na listahan ng mga gragraduate ngayong taon at syempre-ang honor list. nalaman ko na few days in advance na nasa honors ako. tinext ako ni Mat at sinabing Magna Cumlaude ako. Nagulat ako (genuine shock ok?) kasi in-eexpect ko kung may honors man ako eh cum laude (with praise)  at hindi magna (with great praise). Syempre hindi ako agad nagpadala sa text ni Mat (resident chick boy at CIA handler hehehe) at tinanong ko kung saan niya nalaman–sabi niya kay Mam Nora (college chief of records) at nakita na daw niya yung name ko sa official list.

hindi ko alam, ngunit pinagpasiyahan ko munang manahimik at wag muna sabihin kanino man ang balita. ewan ko, siguro gusto ko lang muna talaga masigurado. kaya nung pagbisita ko sa college reg namin at biglang kinon-gratulate ako ni mam nora–tinawagan ko na agad ang aking mga magulang.

sa isip-isip ko. " P*tang Ina!"

***

nang malaman kong magna cum laude ako lahat-lahat ng mga pinagdaanan ko at ginawa ko sa loob ng apat na taon na pinaghirapan ko’t pinagpaguran eh nawala. sa totoo lang naramdan ko na kulang pa yung mga ginawa ko para ma-achieve ang parangal sa akin.

kaya medyo a few days pa ang kinailangan para mag-sink ang lahat. kasi noong nakaraang buwan lamang eh ginawaran yung thesis ko ng Award of Excellence sa publication category na hanggang ngayon eh gumugulat parin sa akin.

kinailangan ko lang tlga ng panahon para mag-sink ang lahat.

kasi

never in my mind na inexpect ko na mangyayari sakin to. noong pagtuntong ko sa UP bilang freshman noong 2003 na-overwhelm ako sa dami ng mga estudyanteng mas matalino at mas talented pa sa akin at sa mga propesor na kilala sa buong mundo, kaya sinabi ko sa sarili ko na ang maging estudyante ng UP eh malaking karangalan na kahit kanino man.

kaya…sinikap ko lang talaga na hindi masayang ang binigay saking pagkakataon na mag-aral sa UP,  para makapagtrabaho at tumulong sa aking pamilya, para makatulong sa Pilipinas (seryoso).

yun lang.

yun lang talaga sa simula
ang iniisip ko.

yun lang.

***

Nung college meeting dun sinabi sa amin ang mga detalye sa mga mangyayaring seremonya sa darating na weekend, kasama na ang attire, rules and regulations at iba pa.

dito ko na rin hinintay na malaman yung iba pang kasama sa honors list, syempre natuwa ako ng marinig ko si gigay ay cum laude (yey! congrats gigay mamiss tlga kita), at yung mga ibang kaklase ko noong mga nakaraang taon.

tatlo kaming magna cum laude sa kolehiyo ko. Si Ate Corey (gradwado ng molecular biology) na mataas na talaga ang tingin ko nung first year palang ako pati si Katrina or mas kilala sa kaniyang apelyido na Pallon (hehehe hi Pallon congratz2x!).

***

ok so punta na tayo sa araw ng sabado.

malaking face lift ang nangyari sa college ng FA prior sa event. nagkaroon ng malaking landscaping sa Joya garden pati ang courtyard namin ay binago din. nagulat kami kasi ang bilis natapos. nagkaroon ng malalaking boulders sa courtyard at iba pa. jinoke namin na baka campfire yung recognition namin at hindi candlelight hehehe. ang final na produkto ng landscaping eh ang "New Bathalaman Garden" (haha bathalaman) dito ginanap ang seremonya  noong sabado.

***
isang daang taon na ng UP next year sa 2008. at ika isang daang taon ng pagkakatatag ng Kolehiyo ko. isa kasi ang Fine arts sa unang kolehiyo na naitatag ng mabuo ang UP ang alam ko 4 na colleges lang ang UP noong nagsimula ito noong 1908, kaya sayang na hindi kami yung Centennial graduates hehehe

***

eto ang mga highlights noong event last saturday:

call time namin noon ay 4:00 ng hapon na medyo kinakaba namin dahil ang init init pa ng oras na iyon. buti nalang at hindi kami naka-toga .

Fa_1_anj_mon

From L to R: Anj (cum Laude), Gigay (cum laude), ako and Mon

Nasabi ko na ba sa inyo na lahat ng babae sa FA eh Magaganda? hehehe

(Kung matagal mo na akong hindi nakikita oo na, ang taba ko)

Fa10_besthesis

pinangunahan namin nila corey ang graduating batch this year. eto ako’t nag-aayos ng sablay, nakalimutan ko kasi magdala ng pin nahuhulog tuloy siya. (at syempre tinaktapan ko yung tyan ko para d halata hahaha)

Fa11_pila

unang pinangaralan ang mga nanalo sa iba’t ibang kompetisyon sa labas ng unibersidad pati narin ang mga nagkamit ng best thesis. Si Dean Colayco at Dept. Chairperson Mitzi Reyes ang naggawad ng mga parangal. Napili ang thesis kong "Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto: Isininalarawan" bilang isa sa best thesis ngayong taon.

Fa_3_magnamedal

pinaranglan ang mga Magna Cum Laude at Cum laude nila Dean Colayco at Guest of Honor Ambeth Ocampo sila ang nagsabit ng medalya.

Fa_2_lightcandle

Pagkatapos sabitan o tawagin ang pangalan ang mga candidates for graduation eh magsisindi ng kandila. Namatay yung sindi nung kandila ko noong pagbalik ko sa upuan nang umihip ang hangin, kung may simbolismo man yun ewan ko lang.

Fa7_corey_speech

Si Corey ang nagbigay ng graduation address sa amin. naging emotional ang speech lalo na nung inacknowledge niya ang kaniyang anak na si Meia. pinag-isipan ko ang sinabi niyang linya "wake up everday with passion for what you do".

Fa6_pledge

Kaming dalawa ni Pallon ang nag-lead sa UP pledge. nagkaroon ng nakakatawang insidente ng sabihin ng Master of Ceremony na si Sir To na tumayo lahat at itaas ang kanang kamay. dahil sumama pati ang magulang, hehehe.

kinabisado ko ang pledge nung hapon kaso binasa ko na rin lang nung ceremony kasi natakot akong mawala sa linya hehehe, nabulol pa nga ako ng kaunti sa simula.

Fa5_clapafter

Syempre palakpakan kami ng matapos na ang seremonya, eto ako kasama ang mga graduates ng iba’t-ibang departamento sa FA. Department of Studio Arts: BFA Sculpture, BFA Painting. Department of Theory: BFA Art History, BFA Art Education. Department of Visual Communication and Industrial Design: BFA Industrial Design, BFA Visual Communication.

Fa4_familyafter

pagkatapos ng programa picture-picture time na. Eto ako kasama ang nanay at mga kapatid ko.

Fa8_wepey

From L to R: Ako, Anna, Camille, AJ, Myka, Anj, Dennis, Gab, Deng, Ricky, Deng, Mat, Mitch, and Prof. Austria

eto naman ako kasama ang mga classmates ko, nagkagulo na sa stage kaya kung saan saang camera na kami nakatingin.  hehehe

Fa9_powerof3

Ito naman kasama si Corey and Pallon.

Candidates for graduation pa rin kami pagkatapos ng seremonya, kaya yung mga sablay namin eh nasa right shoulder pa rin. Sa University graduation kami iproprounce as graduates.

***
Overall naging solemn at hindi boring ang seremonya.

nagsialisan kaming lahat pagkatapos ng photo opt at kumain.

hehehe

Ikalawang Bahagi: Ika 96th na Pangkalahatang Pagtatapos Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Linggo Abril 22

Kinabukasan naman nangyari ang University Graduation. Ginaganap ito sa University Amphitheater, sa Quezon Hall (Sa likod ng Oblation). Ang pinaka obvious na paghahanda sa malaking seremonya ng pagtatapos na ito ay ang pagtatanim ng mga sunflower sa kahabaan ng University avenue at ang paglatag ng bawat banner ng lahat ng colleges sa UP.

Kung sa college recogntion eh kayo kayo lang ng mga ka-kolehiyo mo, dito sa Univ. grad kasama lahat ang 25 Colleges ng UP Diliman.

Mula sa class of 2007 na may halos 3000+ na graduating students,

8 mag-aaral ang nagkamit ng titulong Summa Cum Laude (with Highest praise).

133 mag-aaral ang nagkamit ng titulong Magna Cum Laude

at

638 mag-aaral ang nagkamit ng titulong Cum Laude.

***
Pag-summa cum laude ka sa UP para kang isang mythical figure, hindi ka tao. Nagmula ang mga Summa cum laude ngayong taon sa College of Economics, Business Admin., Science at Architecture.

***

Ang call time namin lahat noon eh 2:30 ng hapon. Nagising ako sa isang makulimlim na umaaga. Nung tanghali akala ko mapopostpone na ang program kasi umuulan.

umaambon ambon pa nga nung pagdating namin sa Quezon Hall. Ngunit salamat at hindi na lumakas ang ulan. Hindi naging ganoon kainit ang hapon salamat sa mga makakapal na ulap. Isa sa pinakamaling discouragement  sa Univ. Grad. eh ang pagkabilad ng lahat sa araw (goodluck 2:30 ng hapon, summer?). Ang pinaka draw back lamang eh naging mahamog ang grounds at medyo maputik ang daan, pero wala na atang makapipigil saming lahat na hindi grumadweyt. hehehe

Univ16_1

Si myka, anj, gigay at ako habang hinintay yung iba pa naming classmates.

Univ17_1

Nakikinig kami sa College Marshall namin for last minute instructions.

Univ9_pila_heat

Eto kami na nakapila sa east entrance ng amphitheater. Hawak ng mga rayadillo ang mga college flags. May tatlong entrance ang lugar at hinati ang mga colleges sa mga entrances na ito. Kasama namin sa east entrance ang College of Arts and Letters, College of Architecture, Asian Institute of Tourism, College of Education etc.

Univ8_death_march

3:30 ng hapon nagsimula ang programa.  Naghiyawan pa nga noong narinig na namin ang emcee. eto kami nila Pallon papasok ng amphitheater, sumikat yung araw nung nagsimula ang ceremony hehehe dapat nga nagdala ako ng shades o kaya payong.

Univ13_classof2007

Univ14

Eto kaming lahat, actually hindi naman siguro 3000+ yung umatend nung graduation kasi syempre yung iba hindi na pumunta.

Univ15

Univ11_olympian

Eto yung shot ng quezon hall during entrance of colors sa scaffolding nakaupo ang various UP officials, college deans, pati syempre sila Chancellor Cao and Roman, masuwerte syempre yung mga Summa Cum laude kasi dito rin sila nakaupo, kaya hindi mainit. Kung mapapansin niyo nakaharap kaming lahat sa araw at sila nakatalikod.

***
PS

Hanggang dito muna nagloloko yung friendster exceeded na daw yung no. of photos na puwede ko ilagay. sa May 1 ko nalang tapusin.




Coupled

7 04 2007

its a good holiwik.

really liking dis one.

dnt knw if its bcuz im grduatin alredy.

but so far lovin it,

it isnt hot.

tv marathons.

and

Coupling.

ive finaly wtched ol of em.

its bloody brilliant.

no rubbish.

just sex.

susan,

sally,

jeff,

jane,

steve,

patrick,

and

oliver.

wattan amazin lot.

steven moffat

is a poet.

Remember this: was a clever episode sir! its nothing lyk ave eva seen.

great treatment, myt borrow it in the neh fytucha.

weh siris fayv?