Monday Morning Lights
25 03 2007(O-oh)
Gumising ako ng maaga para lamang makapag-blog. Sa totoo lang mag-bloblog ako kasi nagising ako ng maaga tapos wala akong magawa. Wala na kasing pasok submission nalang. Gumising ako ng maaga ng lunes at wala akong magawa. hahaha noong nakaraang linggo lang eh muntik ko ng maibenta ang kalululuwa ko sa demonyo ngunit ngayon balik normal na uli ang lahat: Lunes ng umaga at wala akong magawa.
ang paksa ng blog na ito eh tungkol sa telebisyon, malaking parte kasi ito ng aking buhay. telebisyon ang isa sa kinagisnan kong paraan upang palipasin ang oras maliban sa pagbabasa, kumain o matulog. maari mo ngang sabihin (kung namatay na ako) na ang ginawa ko lang buong buhay ko eh manood ng tv. maganda kasi ang telebisyon dahil tunay na paraan ito ng pagpapakawala sa sarili. tulad ng isang magandang pelikula. Mahilig kasi ako mag-imagine na ako ang isa sa mga karakter na aking pinapanood. napaka simpleng paraan upang libangin ang sarili, walang kailangan kundi imahinasyon. Ginagawa ko ito sa MRT, sa Jeep, Sa classroom, tuwing naglalakad, bago matulog etc. Spontaneous na habit ko ito, kahit saan, kahit anong ginagawa ko. Ang karaniwang paraan na ginagawa ko eh iisipin ko kung paano ang gagawin ng isang paborito kong karakter sa sitwasyong aking kinapapalooban. At sa katapusan ng mga imahinasyon na ito eh kadalasang lumalabas na akoy isang astig na nilalang. hehehe
libre ngang mangarap sabi nila.
ngunit akoy lumilihis sa intended topic ko at eto ang seryeng Friday Night Lights. Nabanggit ko na sa isang post ang palabas na ito, ngunit napagpasiyahan kong pag-usapan muli dahil ako’y isang opisyal na fan na ng naturang serye.
sa mga naunang episodes ng palabas eh naging mabagal ang takbo ng storya. sa totoo lang, dapat ilalaglag ko na kung hindi lang para sa magandang soundtrack nito. ngunit pagkatapos ng ilang buwan ng panonood nito. masasabi kong nag-grow na sa akin ang show. apektado na ako sa mga nangyayari sa mga karakter.
***
ilang highschool themed shows na ang aking nasubaybayan syempre ang pinaka-nostalgic saken eh ang Dawson’s Creek pati ang shortlived na Popular. Sa mga current na palabas ngayon, hindi ko nakayanang tapusin ang first season ng The OC, kahit para lang kay Mischa Barton (hindi ko trip ang acting ni Rachel Bilson at nabadtrip ako ng tinanggal nila si Samaire Armstrong) at masyado kasing Laguna Beach and dating sa akin. Kung One Tree Hill naman wala akong masabi kundi ang panget2x ng palabas na ito. wag na nating pag-usapan na nanood din ako for sometime ng Its all About Ur love sa Dos sabihin nalang natin na hinahanap-hanap ko yung mga panahong nanonod ako ng TGIS, GIMIK pati G-MIK.
***
in lieu sa mga sinabi kong palabas FNL is up there with the best. maganda kasi yung story komplikado na simple ang labas. hindi tulad sa karamihang palabas ng kano na may simpleng plot na ginagawang masyadong kumplikado. isa sa paborito kong story threads ngayon sa FNL eh yung kay Julie and mat. sa tingin ko madaling makarelate kasi ang everyman sa istorya nila. Si mat kasi yung anti-quarterback na quarterback. Hindi siya popular sa school, inaalagaan niya ang kaniyang lola, etc (biglaan siyang naging QB ng maparalyze yung Star QB nila na si Jason). Si julie din naman eh yung anti-coaches daughter. wala siyang masyadong kaibigan at hindi siya mayabang ala Mean Girls. (kelangan ko istress na ang football eh bigdeal sa Dillon, Texas) masasabi kong interesting panoorin ang pagkakadevelopan nila ngayon. sa cheating love triangle naman ni Jason, Layla pati ni Tim ang masasabi ko lang eh, kawawa tlga si Layla. Kung ako yung bf ni Layla at malaman kong nag-cheat siya sa akin malamang magagalit ako sa una pero hindi ko matitiis kung pumunta siya sa bahay ko na may dalang cupcakes na ginawa niya suot ang kaniyang backless na bestida na umiiyak at nagmamakawaang nag-sosori. (wats up with dissin layla last week Street?) maaring shallow ang tingin ninyo sa interpretasyon na ito ngunit makakatulong kung alam niyo pa yung mga backstory nila na hindi ko na irerela8.
uhm sige yun lang muna, nagluluto na ng almusal ang nanay ko at nagugutom nako.
***
Happy Summer sa gusto ng summer
condolence sa mga Summer Haters na katulad ko.
Categories : Uncategorized
word on the street