Drama sa UP kanina.
Nang humupa na ang commotion dulot ng Oblation Run, biglang kumalat ang rumors na hindi daw tuloy ang lantern parade para sa taong ito.
nagtext sa akin si Badet, na nagtatanong kung tuloy ba daw, kasi may balita ngang hindi na.
Napaka-detached ko sa mga pangyayari–nasa bahay lang ako buong araw at nag-iinternet.
gamit ang bisa ng globe unlimitext tinext ko halos lahat ng ka-peeps na kilala ko (Globe). at kinonfirm ang balita.
Sa dami ng tinext ko, kakarampot lang ang nag-reply.
hayun hindi nga daw tuloy sabi ni Chancellor Cao, due to security issues.
+++
APPENDIX A
Lantern Parade Cancelled
I regret to inform the University community that the 2006 Christmas Lantern Parade scheduled this afternoon is cancelled. This decision was made by the UP Diliman Executive Committee - composed of deans and directors of academic units chaired by the Chancellor - in an emergency meeting held this morning.
This decision was arrived at in view of concerns about risks to persons and property.
The Pista ng Pasko sa Oval, however, will remain open. College activities will proceed as scheduled.
SERGIO S. CAO
Chancellor
+++
apparently, may-rally kasing magaganap ukol sa tuition fee increase.
ng malaman ko. hindi na ako nagbalak maligo para dumaan ng peyups…
nang
sinabi ng Univ. student council na tuloy parin ang parada kahit walang suporta ng admin.
***
napa-isip ako. tradisyon naman na tlga yang parada na yan for 70+ yrs na. and Para sa pasko naman yun. hehehe
what the heck.
(maganda ang mga alaala ko nung freshman ako ng parada, nung sumali kami at pumatok sa publiko ang aming animal carousel. hehehe.)
***
tumuloy ako at sinama ang aking bunsong kapatid. nag-taxi pa kami baka d na namin maabutan sa oval yung mga tao.
+++
pagdating…
medyo patay ang parada. hindi ganoon karami ang tao. ngunit nandoon pa rin ang mga float kahit kakaunti rin.
+++
naabutan namin yung last na stop ng parada sa harapan ng Palma. at dumami rin naman ang mga tao kahit papaano.
at doon, kasama ng publiko at UP community
to be honest—na-uplift yung spirits ko
(you know with my unenthusiastic view of this Xmas).
Tingnan mo nga naman. nandito silang lahat para mag-celebrate. walang politika etc.
nandun lahat ang mga tao. para lamang manood, pasikatan ng mga celfone na may camera, digi cam, digi camcorder.
(ang ganda tlga nung Cybershot fone, pati yung N73–NICE!)
buti nalang at d ako na-demonyo na manghablot.
+++
nakisabay ako sa pagpalakpak at pagsigaw sa mga gimik ng mga float.
ayun
sinabuyan lang kami ng ma-misong kendi at confetti masaya na kaming lahat.
>>>
bumenta nga sa akin eh. kahit nabasa ako sa gimik nung giant "tirador" na float. una muna kasi kendi yung mga sini-slingshot syempre lahat naman kami agawan. tapos biglang naging sunud-sunod na water bomb (pambalot ng ulam na pinuno ng tubig) ang mga kasunod, na siyang kinatakutan ng lahat. at hayun. nabiktima kami ng kapatid ko. malas.
pero masaya
+++
sa kababawan naming lahat,
sa kababawan naming manonood
naramdaman ko ang…
…
…
…
…
…
…
…
..
.
____________________________
"true meaning of Christmas."
____________________________
PS
sayang lang at hindi na natuloy ang fireworks display.
word on the street