TIPS for UPCAT Takers

4 08 2006

In the the spirit of the University of the Philippines College Entrance Exam,
happening this weekend (Salamat UPCAT wala kaming Marketing bukas!)
it would be nice to give some worthless advice to those kids who are
ambitious and gutsy enough to apply in UP.

*From a senior who really cares.

1. Wag ng mag-aral Stock Knowledge nalang

Nag-review ka ba ng mabuti ngayong summer? Nag-enroll ka ba sa ACET
or MSA? O walang kang ginawa? Yung UPCAT ba sayo eh parang gimik lang ng
clasm8s na pagkatapos ay sa SM North ang bagsak?

OK LANG!

Dahil hindi naman mahalaga ang test scores sa UPCAT. Sa katunayan front
lang yan para magbayad kayo ng Entrance fee. Kaya matagal lumabas ang UPCAT
results dahil dinuduktor yan eh. Syempre pasok na ang mga anak
ng may anak, o may kilala na may kilala sa UP. Tapos ipaparaffle nalang
ang the rest ng slots sa mga suwerteng mananalo! \
uhm kung may matitira pa…

Kaya super close ang lahat ng nasa UP bwahahahahahaha.

Wag nang magtaka kung si ganitong sobrang bobo eh pumasa at ikaw
na divine know-it-all hindi.

Ganun lang talaga.

2. Gandahan mo ang registration picture mo.

Totoo yan. 1st impressions last kasi. Isipin mong parang job interview
yan na wala actual a-tete-a-tete. Kaya kelangan guwapo at maganda
ang mga itsura niyo sa passport size (pa rin ba?) na picture. Para
gumana ang charm ninyo sa bading o manyakis na taga-asses, practikal lang
dba? Bakit hindi subuking magcreative shots sa 2×2 pics ninyo? Magpakita
ng dibdib o kahit anong asset na makakaenhance sa sex appeal ng
application form.

masmabuti na ang malagkit kesa sa inaagiw na application form.

Plus points yan pramis.

(pls lang pagpahingahin na ang mga grad pic)

3. Dumating ng sobrang maaga sa testing center.

Importante yan. Pero hindi dahil sa on time magstart ang exam.
Mabuti nang maaga para may panahon ka pang makipag-wrestling sa mga
nanay at tatay na humaharang sa daan papasok sa bldg. At saka baka
mawala ka sa UP. Magulo kasi yung mga karatula. Honestly kahit ako
nung tinignan ko kanina parang napa-huh? pa rin ako. Delikado na
magubat pa naman at maraming mga monsters, kame. roaarrrrr. GRRRRr.
Ewan ko lang day-off rin kasi ng mga monsters so baka wala rin kayong
makita. BEWARE!

4. Magdala ng maraming pagkain, banig etc.

Masaya ang UPCAT dahil puwedeng puwede kumain all throughout sa exam.
Kaya magtake out na ng Starbucks o Jollibee para makipagsalo-salo
sa mga testing mates mo, Champagne? bakit hindi?. O di kayay gawing
picnic at maglatag ng mga banig at unan sa sahig para mas madali
ang kopyahan.

5. Huwag agad umalis pagkatapos ng exam.

Kung tapos na ang exam eh tumambay muna sa OVAL. Dahil magiging instant
reunion venue yan sa mga classmates mo ng prep, elementary at yung
mga nagtransfer sa ibang haiskul. Seryoso.

Sana nakatulong ang mga late at walang kwentang advice ko.

***
At sa mga palarin mang makapasa. Masuwerte kayong tunay.
baka ma-disillusyon kayo sa unang taon ninyo pero huwag tuluyang kalimutan
ang gutom at ideyalismo na dala dala ninyo pagtuntong ng UP.
Kailangan niyo yan. Baka magsisi kayo kung bakit hindi nalang kayo
nag-La salle, UST o Ateneo. Or parang sinira ng UP ang buhay ninyo.

Normal lang yan.
Ang masasabi ko lang

Iba sa UP.
Hayaan mong hubugin niya ang iyong isipan.
Siguradong sa huli, lubos mo siyang pasasalamatan.

naks.

Sa mga bumagsak at hindi nanalo sa raffle:

Its not so bad. Puwede ka naman magtransfer o magtry agen kaso tambay ka lang muna ng isang taon bawal kasi ang my college units, Kapag retake ng UPCAT. Malalaman at malalaman yan. Subukan ang mga certificate courses kung addict ka tlga at henyong maituturing.

Yiheee.

Mag UUP nayan.

GO!

maya nalang


Actions

Information



6 responses to “TIPS for UPCAT Takers”

4 08 2006
  -sNoB- (05:39:51) :

kuya jedi! wEa hiR, joy’s classmate sa pura.. ;) aus sa mga advices ah! hihihi.. un lang.. ;)

4 08 2006
  Jedi (05:47:04) :

O Wea. Opkors kilala kita nuh. TC!

8 08 2006
  CLAIREsarah (06:48:30) :

ewwww..ang papangit ng advices mo! hehe..joke.
nagtake nga kapatid ko nung saturday. la lang. sisiw daw. ulol!

28 05 2007
  Joanna (06:23:04) :

is it true na dinuduktor ang results?? and pag maganda or gwapo ka it’s a plus factor para makapasa sa UP?? ohhh…. true din po ba na pag may kilala ka sa loob ng UP sure na talagang pumapasa?? tnx poh in advance… i’ll appreciate any info and detail u’l giv me…

29 05 2007
  Jedi (18:24:20) :

Err. I meant this tips as a joke. though i wouldn’t be sure of the real scenario hehehe

8 07 2009
  rye (21:40:58) :

weah??
di ka lang nakapasa ee.!haha

Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>