Manila by Noon
27 08 2006Ni-require kame ng aming titser na bumisita sa National Museum at Bahay Tsinoy para sa aming "cultural" trip. Hindi na raw as a class pupunta kundi by assigned groupings na lamang. (Kasalukuyang bisi pa rin ata ang aming guro sa kaniyang nobela.) Tumuloy kami noong Linggo kahit holiday (National Heroes Day), na umaasang bukas ang mga museong ito—Buti naman at bukas.

Nakakatuwang isipin na ako ang pinakamatanda sa grupo, at ang tanging "rosas" sa mga thorns. Parang "bugaw" ang aking dating. Mga dalagitang hindi pa nagdedebut, at may isang taong sampa pa lamang sa UP ang aking mga kasama. Ngunit ayos naman silang grupmates, sayang nga lang at hindi nadala ni Shaine (ang singkit) ang kaniyang kotse dahil ginamit ito ng kaniyang parents–talo pa ako.
Naging sa Palma Hall ang hintayan namin ng 8:30am. Inabot kame ng isang oras sa hintayan pero mabilis lamang ang biyahe dahil mga 10:05am eh naroon na kame sa Pambansang Museo na alas Diyes ang bukas. Maganda naman ang gusali, ibang-iba na sa aking natatandaan nung ako’y prep pa. Nahati-hati na pala sa iba’t-ibang gusali ang museo, at tinuro na lang sa amin ni manong guar kung saan ang bukasan. Medyo may pagka-hiTech na rin ang museo, kaso nga lang 3rd world pa rin ang dating dahil halos puro "out of order" and mga interaktibong mga exhibit, at marami pa ring galeriang sarado pa rin sa Publiko. Medyo nalungkot ako ng malaman namin na replica na lamang pala ang Spolarium ni Juan Luna na makikita dito at sarado pa. Nasa Admin building daw ang orihinal at hindi pa rin ito bukas sa publiko. Yaon pa naman ang aking gustong makita, noong makita ko kasi ito isang dekada na rin ang nakakaraan eh nalula ako sa laki nito. Naalala ko pa na lubos akong namangha nung sinabi ng curator sa amin noon na binalik ito sa Pilipinas na lulan ng eroplano–na akala ko nakakabit sa mga pakpak ng plane. hehehe
Nahilo kami sa pag-ikot dito, may limang palapag kasi ang museo at sangkatutak na "guide questions" (pabaon na aming guro) ang kelangan naming sagutan at hanapin sa loob.
Sayang at hindi puwede dalin ang camera sa loob ng museo, gusto ko pa namang ipakita sa inyo ang mga galeria. Nagkaroon pa kami ng nakakatuwang enkwentro sa isang exhibit na kung saan nakalagak ang mga palamuti sa katawan ng ibat-ibang native na pinoy. Nakal-label ang mga lalagyan na, Pang-ulo (mga sombrero o head dress) Pang-tainga (Hikaw etc), Pang-ilong—at Pang-ari. Dali-dali akong tinawag ng aking mga grupmates at tinuro ang nakapaloob sa kabinet na salamin, may iba kasi akong tinitignan noon. Tumambad sa akin ang mga eskulturang hinugis upang maging ari ng lalaki at mga "rings" at bulitas na nilalagay dito. Pata-tawang tinanong sa akin ni Lica (ang morena) kung ano ang mga iyon. Naging mature naman ako at sinabing para ito sa status simbol (pampalaki ng ari) at "extra pleasure". Tinanong pa nila ako na, Hindi ba mahuhulog yan? Paano kapag naiwan? (hahaha) Pinaliwanag ko na lamang na malalaman din nila kapag nagkaroon at naisin nilang makipatalik sa kanilang mga boypren.
Hindi lang yan, nagkaroon pa kami ng spooky encounter sa elebator ng bumaba na kami ng 4th floor. Wala masyadong tao noon sa gusali, kaya ang tahimik. Nang nilulan namin ang elebator, kaming apat, eh nagtaka kami kung bakit ang tagal magsara ng pinto ngayong pinipindot na ni shaine ang "close" button. Ng dahang dahang sumara ito, bigla itong muling bumakas na siyang kinagulat naming lahat. Natakot kaming isipin na may ispiritong humabol sa amin para bumaba. (Kaya nag-ingay na sila sa elebator, "baka katabi niyo na!" etc. Nagsipagtakbo kami ng bumakas ito sa ground floor.

Nilakad namin ang daan patungong Bahay Tsinoy na medyo malayo-layo rin. Naligaw pa kame ng kaunti kaya nagatagal kami sa daan. Nasa loob ng Intramuros (the walled city) ang museo at naligaw kame sa mga pasikot-sikot na daan. Iba ang pakiramdam sa loob ng mga pader parang wala ka na Maynila. Naghanap kami ng makakainan at nakita namin ang Mcdo na parang panahon pa nila Rizal itinayo. Akala namin na hindi airconditioned sa loob dahil apating elesi na ceiling fan ang nakakabit sa kisame.
Ng marating namin ang bahay na tsinoy, na hindi ko na masaydong na-enjoy(Sumakit kasi bigla ang ulo ko) lumagi kami ng wala pang dalawang oras at umuwi na. Pagod na rin kasi kame.
Nang
papalabas na kame papuntang lagusan, hinabol kami ng isang taong baliw na sadya naming kinakaba. Binilisan namin ang aming lakad dahil pilit na gustong makipagkilala ang baliw teka manyakis ata. At buti naman hindi na siya sumunod, dahil nagahahnda na rin kami ng mga bagay na maaaring ipamukpok kung sakaling naisin niyang humabol pa.
Nanatiling masakit ang ulo ko buong biyahe pauwi.
Natulog ako agad.
wow nahawa kaba saakin? hahahaha! may taong baliw! hahahaha baliw ka jedi. peace.
Pagbigyan mo na ako, minsan ko lang madala yung digicam, SLR yun ah–ang bigat.
jedi!! grabe, tagal na nito pero ngayon ko lang nakita. gulat ako nung may nagsabi sa akin may pic daw ako sa blog entry.. haha! musta? pahingi naman ako ng copy ng pics natin. salamat!