Nasa Corpus Christi ako nun nung una akong makakita ng computer. Eto yung private iskul na pinamalagian ko hanggang grade III, ito yung mga panahon na ok ang lagay namin sa buhay. At least sa tingin ko, iyon pala kasi’y ang lola ko pala ang bumubuhay o tumutulong bumuhay samen nung nasa Amerika pa siya. Unfortunately namatay sa breast cancer ang lola ko…nasabi ko na ba na hindi ako lumaki ng may grandparents? na kwento ko na ata yun. Namatay na kasi ang mga magulang ng nanay ko nung 8 yrs old palang siya. Sa tatay ko naman mga early nineties nachugi na, ang kaniyang ama dahil sa hart atak at ang lola, kakasabi ko palang. Ito narin pala ang tanging dalawang rason para umuwi kami sa Basilan, sa dulo ng mundo, hanggang ngayon.
Nung nasa Corpus ako sosyal ang edukasyon ko kasi kasi grade I palang eh may computer education na kami agad take note early nineties ito ha. Nung mga panahon na iyon wala lang naman saken kasi parang ano nga naman ba pwede mong gawin sa computer nun diba??? Naalala ko na tinuruan kami mag-format ng floppy disk, eto pa yung disks na kasing laki ng platito (5.5 as opposed to the 3.5 inch) at syempre floppy or flimsy, you know. Mekanikal ang proseso nandun ka nakatingin sa black and white na screen tapos pinag-tsopsuey2x na titik at letra lang ang makikita at itatype mo. Eto ang panahon ng DOS or Disk Operating System. Naalala ko pa na pinabili ko ang aking ina ng diskette at parehas naming hindi alam kung ano iyon. Nagtanong siya sa National at kalaunan ay naguwi ng floppy disk at heto pa naalala ko pa ang tatak Mitsubishi!
Medyo hindi naging madalas ang pagdalaw namin sa computer lab na yun kung madalas man eh hindi ko na kasi masyado maalala. Ngunit tumatak naman sa isip ko ang history ng computer na napulot ko doon, nandun yung mga pangalang “Charles Babbage” tapos yung earliest types nung computer yung Univac I yung ENIAC??? ewan ko basta. At syempre ang pinaka-nakafascinate saken na konsepto ang computer “virus” naalala ko pa sa supplemental magazine namin yung illustration at headline na “Queen Virusa” hehehe ang jologs diba? ngunit natuwa ako sa aspetong ito ng computing na pwedeng magkasakit ang isang makina, wala lang.
Nung mamatay ang lola ko, si lola Miriam or “Mi” for short hindi na nakayanan ng aking ama ang malaking tuition fee kaya yun napatapon kami sa public school or, that ghastly term, “Public”. Ang pag-alis ko sa Corpus na pala ang huling pagkakataon kong mag-aral sa isang religious institusyon. Masasabi kong dark ages for my computing history ang pag-alis ko sa private school. Kasi gudlak nalang kung maka-afford ng computer and pinasukan ko. though alam mo yun naging maarte kasi ako nung mga panahon na iyon…akala ko kasi tlga mga batang mabaho at uhugin ang mga nag-aaral sa “public” at syempre mortified ako na what if my classmates knew??? the shame!
hindi ko tuloy malilimutan ang taxi ride na kung saan dinaan kami ni papa sa bagong “School” namen, sa may tabi ng palengke…what can I say umiyak ako sa loob ng cab. akala ko kasi makikita ko pa yung mga classmates ko that i left before summer started…ni hindi man lang ako nakapag-paalam kasi biglaan tlga. Kaya yun ilang gabi kong iniyakan ang balitang iyon. dito nag-start ang pagkamulat ko sa ibang mukha ng buhay. dito ko sa public sinanla ang black leather shoes ko for something more accessible as rubber shoes or tsinelas ang. Never ko ma-imagine na I would be one of those kids na naka-tsinelas pumasok sa skul and worst! they walk or take the trike! Nooo!!!
medyo naging worried saken yung mga parents ko pasalamat nalang at di nila ko ginulpi. at dito nangyari ang isang scene na hindi ko malilimutan. dumalaw saken ang ninong Len ko. Isa siya sa kabarkada ni papa na close niya tlga mayaman siya I used to have lots of great xmas gifs from him when i was young…ayun…ito kasi yung time na bumili siya ng bagong mercedes benz na sasakyan. dumalaw siya minsan sa bahay at sinama ako sa labas to take it for a spin. inside the car from what i remember he told me na he went to the same public school when he was young. sabi niya hindi naman daw sa school yun eh…nung mga panahon yun ewan ko kung tatanga-tanga din lang ako, hindi ko naintindihan…he died of cancer when I was in highschool.
hayunnn ganun ako ka-arte nung unang months ko sa public. ang tigas ng mukha ko kasi i always assumed na I was not like my classmates iba ako sa kanila. pero nung lumipas ang mga panahon lalo na nung nabaon na sa credit card debt si papa narealize ko na I was never part of the wealthy middle class in the first place. kaya imbes na magtype-type sa computer or maglaro or take sumkinda like recreation nung nasa private ako nasa putikan kami at nagtatanim ng petsay o nag-rarake (hahaha) ng basura sa compost pits sa public. pera syempre may mga mayaman din naman akong classmates at sa seatmate ko narinig ang Windows 95. malabo pa nga ang description basta sabi niya lang saken maganda daw ang computer nila kasi Windows 95 daw, malay ko ba kung ano yun. hehehe madalas ko rin pala siya hingan ng ulam nun tuwing recess kasi masarap yung baon niya lagi.
Hindi ako nakagamit ng computer hanggang magtapos ako ng elementary. Para san pa eh hindi naman ako marunong gumamit. Atsaka hindi naman kasi uso pa yung printed na papers noon purp finofolder lahat at sulat kamay parin. Ngunit nagsimulang magbago ang lahat nung haiskul.
Ayos naman ang mga computer lab naming nun pwede na kung sa pwede. Naturuan kaming gumamit ng Microsoft office nung 1st yr ata…syempre ang pinakamadali eh yung Word. Gustong-gusto naming yung computer lab nun kasi dun lang kami nakaka-experience ng aircon. Kahit anong pawis mo sa singit o kili-kili bago pumasok eh swak namang magiging icicles pag pasok mo sa loob. Uso samin yung “groups” kasi limitado lang naman ang mga makina so usually 5-7 is to 1 ang set-up namin. Kung may activity na ipapagawa si Ma’am otomatik ng naka-upo sa harap at may hawak ng keyboard ang pinakamabilis mag-type sa grupo ang mga natira naman eh nasa paligid nag-iisip/nagbabasa kung paano gagawin yung activity.
Masasabi ko na trial and error pati through exploration ako natuto gumamit ng Windows PC. At habang umakyat kami ng baitang sa mataas na paaralan, naging mas-sopistikado na ang mga software na itinuro sa amin…nag frontpage kami tapos Access, tapos Adobe. Photoshop lang ang nahawakan naming nun version 5.5 pa nga eh hehehe pati Pagemaker 6.5! At dito nagsimula ang tambayan sa computer shops. Sa klase namen kasi kakarampot lang naman yung may computer sa bahay at masbihira pa yung may dial-up para sa internet. So, kung may malaking proyektong nakatakda ang buong klase eh tumatambay sa mga computer shops hanggang matapos. Hindi ko makakalimutan yung mga panahon na iyon. Internet cafes were the extension of our classrooms after school hours.
Problema pa nun kung paano isa-save ang gawa mo since 4mb lang naman ang kasiya sa diskette. Hindi pa uso ang CD burning lalo na ang flash drives! Ngunit natuto kami. Natuto kami dumepende sa mga computer.
Naalala ko nun kung saan ako unang nagkaroon ng email. Sa excite.com siya, at sa opisina ng aking ama ito ginawa. Ginawan ako nung writer nila papa na-duty nun. Madalas kasi dati, pumupunta ako dun para lang mag-internet. Kasi junky tlga ako nun sa net. Hindi ako na-hook sa PC games pati online RPGs ngunit na-addict ako sa MIRC pati surfing. Hehehe dito ako natutong sumulit ng isang oras upang pigain ang worldwideweb sa kung anong mang magagatas ko dito.
Tumuntong ako sa Kolehiyo na walang sariling PC sa bahay. Teka…nagkaroon pala kami for a brief time nung haiskul ako, 3rd yr.
Paano? Nauwi kasi ni Papa ang lumang computer nila sa opisina na dapat itatapon na. Halos hindi ko ito naggamit dahil pagkatapos ng ilang linggo eh binahayan ng bubwit ang loob ng CPU. Seryoso. Nung binuksan namin eh tumambad samen ang basang motherboard na may abubot na mga tae.
Again college,
Nahirapan ako nung freshmen ako, well actually hindi naman “N-ahirapan” but I thought it very inconvenient. Sa major subjects ko nun eh halos de-papel at de-kamay lahat ng proyekto naming sa pag-guhit at dibuho kaya walang problema, ngunit sa ibang klase ko lalo na sa humanities at social sciences eh marami ang research at paperwork. Ang set-up ko nun eh, isusulat ko ang draft ko sa notebook, at in between classes tatakbo ako sa shopping center para magrenta ng computer to do simple word processing. Akala mo siguro eh madali lang…buti sana kung ang pagpunta lang sa Shopping center ang proproblemahin mo. Pero, paano kung halos buong UP ang nag-aagawan sa mga computer para mag-cram? 0o, patay ka tlga. Hahaha at hindi pa nagtatapos dyan ang ka-jologsan ng shopping center, notorious kasi ang pagpatay-sindi ng kuryente dito, anong UPS? ulol. Kaya magdasal ka nalang na na-save mo ang ginagawa mo. Malas mo na tlga kung ilang oras pa bago bumalik ulit ang kuryente—oo nangyayari din yun.
Pero nung nagsecond sem ako ng freshmen yr ko, nabiyayaan ako ng aking tita ng lumang laptop na kaniyang ginagamit, bumili narin si papa ng murang printer namin nun. Nagpasalamat ako sa Maykapal. Sa wakas nakakagawa na ako ng paper hanggang madaling araw at makakapagprint agad-agad, kung kelan ako sipagin, kung kelan ko gusto…na-appreciate ko ito ng sobra. Pero nung dumating na ang second yr-pataas, naging mas “demanding” na ang pangangailangan ko sa makina.
…at dito umenter ang made-to-order naming computer, na sinustentuhan muli, ng aking tita.
Generic ito kung tawagin pero, Pentium 4 naman ang processor. Tumagal naman siya sa amin. At in-fairness pati thesis ko eh sa kaniya ko ginawa. Ngunit naging malaki ang problema naming sa virus nun. At iba pa…sabagay pirated Windows XP ang OS.
>>>
Naging usapan sa aming graduating batch ang competence naming gumamit ng Mac OS. Naalala ko pa yung unang macintosh computer na “nagamit” ko. Pero mamaya na yun. Ang sabi kasi sameng mga chikiting sa “real” world daw eh puro Mac ang gamit yun daw kasi ang choice ng mga creatives.
Ang una kong palagay eh, “bullshit”.
Yung isang prof naming dati eh apple user, palibhasa kasi’y nag-aral sa San Francisco (huh?). Dinadala niya minsan ang laptop niya sa klase at minsa’y nagkuwento sa kaayusan ng Mac. Ewan ko ah kung iisipin parang imposible ngayon pero ginagamit niyang pang-design ang iBook G4 noon…natuwa lang ako kasi ang cute nung power adapter pati yung animated dock na may icons na lumiliit at lumalaki…eye candy kung eye candy talaga.
Nung lumaon at nag-OJT kami, doon ko nga nakita na Mac nga ang gamit ng mga ad agencies pero sa creative dept lang naman, yung mga “suits” PC parin. Eto nanaman ah parang imposible ngayon pero eMac lang ang ginagamit nila noon parang mag-design.
Dito ko napansin ang difference ng first world technology na pilit ina-adapt sa 3rd world setting: Pilit. Well yun nga lang you can’t deny na cute siya…at cool.
So, nung makawala na ako sa lungga ng akademikong institusyon, sinaksak sa utak ko ang “Jobist” ideolohiya: na Mac lang ang dapat gamitin ko. Kamay na ng Kapitalismo kung kamay ng kapitalismo eh anong magagawa ko eh dito ako sa Pilipinas nakatira. 3rd world kung 3rd world.
Kaya yun…
Nasanay na akong gumawa ng mga bagay bagay sa ilalim ng ilaw ng mansanas. Ngunit masasabi kong hindi ako windows hater katulad nung mga ibang mac user na ka-putanginahan ang pagka-OA. Lalo na nung dumating yung Vista…ako I like Vista. This time kasi nung pinagpahinga na naming ang aming BTO na PC, ako na ang bumili ng bagong PC para sa aking mga kapatid. At for the first time in our lives orig yung vista OS namin. Well siguro nainis din lang ako sa XP naming noon dahil puro virus…pero yun nga hindi naming kasi kami nag-sosoftware update…hehehe
So iyon…
At binayayaan pa ako ng Panginoon ng isang Macbook Pro akala ko natapos na nung bumili yung opisina ng aluminum iMac para gamitin ko.
Dito ko ulit nakita na sa buhay talagang hindi mo alam kung anong mga puwedeng mangyari. Isa siyang panget at magandang aspeto nito. Kaya hindi ko na ring makuhang magreklamo pa. hindi ito usaping mac vs windows, dahil I don’t have a say naman tlga… most likely pag nasira itong si Hal (my notebook’s name) balik PC na ulet ako kasi mahal siya kahit pa sabihing may sweldo na ako…atsaka hindi ko rin naman kailangan ito. Once you know I move on to other things…
So for as long as it lasts, i-eenjoy ko nalang ang/na
Mag-wifi kahit saan sa bahay
Mag-back-up gamit ang Time Machine
Haplus-haplusin ang metallic finish
Rumaket
***
New Apple notebooks are rolling out this Tuesday.
Like the rest of the world I’m dying to know what the new family looks like.
But not upgrading.
Here’s to my history of computing, here’s to the future of computing.

word on the street